Kumakalat na ‘scare message’ sa pag-atake ng mga terorista ‘wag paniwalaan – PNP
MANILA, Philippines – Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ngayong Lunes na walang banta sa seguridad ng bansa, kasunod ng pag-atake ng mga terorista sa Paris.
Usap-usapan ngayon na pupuntiryahin ng mga terorista ang Pilipinas dahil sa idaraos na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders' Meeting sa Maynila na dadaluhan ng iba’t ibang pangulo ng mga bansa, kabilang si United States President Barack Obama.
"As of now we can say definitely that there is no such threat," pahayag ni Task Force APEC 2015 spokesperson Chief Superintendent Wilben Mayor Mayor.
BASAHIN: PNP sa publiko ngayong APEC summit: Sa bahay na lang kayo
Dagdag niya na wala naman silang binago sa kanilang mga plano kasunod ng insidente sa Paris na ikinasawi ng hindi bababa sa 100 katao.
“I believe there is a deliberate effort at disinformation. Such messages must be disregarded and reported immediately to authorities.”
Naka-heigtened alert ngayon ang mga awtoridad sa utos ni Pangulong Benigno Aquino III.
"The nationwide Full Alert condition is a matter of routine operational procedure in response to the incident in France, and further necessitated by ongoing security operations for the APEC Summit," sabi pa ng tagapagsalita.
Nauna nang sinabi ng Department of Foreign Affairs na wala namang state leader ang nagkansela ng pagdalo sa APEC summit sa kabila ng nangyari sa Paris.
- Latest