^

Bansa

OFWs mag-ipon, palaguin ang kita - Villar

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Binigyan diin kahapon ni Sen. Cynthia Villar na kailangan ng ating overseas Filipino workers na matutong mag-impok at palaguin ang kanilang pinaghirapang pera.

Ang pahayag na ito ni Villar ay bunsod ng resulta ng survey na nagpapakita ng pagbaba ng bilang ng OFWs household na nag-iipon at nag-iinvest ng kanilang remittances.

Binanggit ni Villar ang resulta ng Consumer Expectations Survey for Third Quarter 2015 na isinagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Isinaad dito na bumaba ang OFW households saving mula sa 49.7 percent sa second quarter mula sa 38.2 percent sa third quarter.

Bumaba din sa 6.2% mula sa 6.7% noong se­cond quarter ang porsi­yento ng OFW households na naglalaan sa investments.

“The mindset should not be working abroad for the remainder of their life. There should be a viable plan upon return to the Philippines that would make their earnings abroad grow,” ani Villar, chair ng Committee on Agriculture and Food, and Committee on Government Corporations and Public Enterprises.

Inihayag ng senador na ang Villar SIPAG (Social Institute for Poverty Alleviation and Governance) ay nakiisa sa Go Negosyo para mabigyan ang OFWs at kanilang pamilya ng kaalaman sa pagsisimula ng negosyo and entrepreneurship.

ACIRC

AGRICULTURE AND FOOD

ANG

BANGKO SENTRAL

CONSUMER EXPECTATIONS SURVEY

CYNTHIA VILLAR

GO NEGOSYO

GOVERNMENT CORPORATIONS AND PUBLIC ENTERPRISES

POVERTY ALLEVIATION AND GOVERNANCE

SOCIAL INSTITUTE

THIRD QUARTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with