^

Bansa

PNoy, Chinese Pres. Xi ‘seatmate’ sa Summit

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kahit wala pang kasiguruhang magkakaroon ng bilateral meeting sina Pangulong Aquino at Chinese President Xi Jinping sa darating na APEC Summit mula Nov. 18-19 ay magkatabi naman ito sa kanilang upuan bilang ‘seatmate’.

Sinabi mismo ni Ambassador Marciano Paynor Jr., national organizing council director-general, naging tradisyon na kasi na ang host leader at dating host na bansa ng APEC ay magkatabi ng upuan.

Aniya, dahil dito ay magkatabi ng upuan sina Pangulong Aquino at Chinese President Xi Jinping na dating host ng APEC.

Idinagdag pa ni Amb. Paynor, isang pagkakataon umano ito para kay Pangulong Aquino at President Xi sa isang bilateral kung naisin man nila.

Nabatid na ang China ang nakaraang host ng APEC Summit noong nakaraang taon habang ang Peru naman ang nakalinyang magiging country host sa susunod na taon.

AMBASSADOR MARCIANO PAYNOR JR.

ANG

ANIYA

CHINESE PRESIDENT XI JINPING

IDINAGDAG

KAHIT

NABATID

PANGULONG AQUINO

PAYNOR

PRESIDENT XI

SINABI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with