^

Bansa

MARINA muling kinalampag sa hinaing ng mga marino

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling naglunsad ng malawakang kilos protesta ang United Filipino Seafarers kasama ang mga eksperto sa inhinyero, mga marino at iba pang kaalyado sa harap mismo ng opisina ng Maritime Industry Authority kamaka­lawa dahil sa kawalang tugon nito sa mga hinaing ng mga marino sa bansa.

Una nang nagsagawa ng malaking demonstrasyon ang UFS laban sa MARINA noong Oktubre 14, 2015 kung saan mariing kinundena ng mga marino ang:

(1) Re-taking ng licensure examination para sa mga marinong hindi nagamit ang kanilang lisensya sa loob ng limang taon o higit pa;

 (2) Paggamit ng SIR sheets kapalit ng nakasanayang Seaman’s Identification Record Books na siya namang nagdulot ng kaguluhan at kalituhan sa marami; 

(3) Hindi makatarungang pagtataas ng passing average nang hanggang 90 %;

(4) Paglulunsad ng bagong Management Level Course na aabutin ng siyam-siyam bago matapos;

(5) Implementasyon ng MARINA Advisory 2015-20 na nagsasaad na sino mang mayroong BST ngunit walang COP ay sapilitang muling kukunin ang buong kurso;

(6) At ang paggamit ng Daily Journal na hindi lamang dagdag-gastos kundi dagdag-gawain din para sa mga kadete.

ACIRC

ANG

DAILY JOURNAL

IDENTIFICATION RECORD BOOKS

IMPLEMENTASYON

MANAGEMENT LEVEL COURSE

MARITIME INDUSTRY AUTHORITY

MGA

OKTUBRE

PAGGAMIT

UNITED FILIPINO SEAFARERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with