Pinas 97% handa na sa APEC summit
MANILA, Philippines – Seguridad ng iba’t ibang state leaders ang pinakamalaking hamon sa 23rd Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa bansa, pero nakahanda na ang gobyerno, ayon sa National Organizing Council (NOC) ngayong Huwebes.
"I think we are 95 to 97 percent ready for APEC. We are just fine-tuning some of the details," pahayag ni NOC Director General Ambassador Marciano Paynor Jr.
Dalawampu’t isang mahahalagang tao mula sa iba’t ibang bansa ang dadalos a APEC summit sa susunod na Linggo sa Maynila, kabilang si United States President Barack Obama at Russian President Vladimir Putin.
BASAHIN: Walang signal jamming sa APEC week
Bukod dito ay higit 7,000 delegado pa ang dadalo kaya naman puspusan ang preparasyon na ginagawa ng NOC.
Sinabi ni Paynor na tutulungan ng mga pulis mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang kapulisan ng Metro Manila.
Tiniyak din ni Paynor na mismong si Pangulong Benigno Aquino III ang nangunguna sa NOC upang maging maayos ang pagdaraos nito.
Nauna nang sinabi ng Malacañang na nais ni Aquino ng “flawless and seamless” APEC summit.
- Latest