^

Bansa

Reso ni Miriam sa treaties aprub ng 14 senador

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinatigan kahapon ng 14 na senador ang isinulong na resolusyon ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na nagpapahayag ng saloobin ng Senado na anumang treaty na niratipikahan ng Pangulo ay dapat may pangsang-ayon ng Senado upang ito ay maging epektibo.

Mismong si Santiago ang nagsulong sa plenar­yo ng kanyang Senate Resolution 1414.

Tanging si Sen. Antonio Trillanes IV ang kumontra habang nag-abstain sina Senate President Franklin Drilon at Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile.

Ayon kay Santiago, chair ng Senate Committee on Foreign Relations, kailangan ang pagkatig ng Senado upang ma­ging valid ang anumang treaty lalo na ‘yong nagpo-promote ng foreign military bases katulad ng RP-EDCA (Enhanced Defense Cooperation Agreement).

Nauna ng pinuna ni Santiago ang pagbalewala ng Malacañang sa kapangyarihan ng Senado tungkol sa pagpasok sa mga treaty partikular sa EDCA na nilagdaan sa Maynila at Washington noong Abril 2014.

ABRIL

ACIRC

ANG

ANTONIO TRILLANES

ENHANCED DEFENSE COOPERATION AGREEMENT

FOREIGN RELATIONS

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

SENADO

SENATE COMMITTEE

SENATE MINORITY LEADER JUAN PONCE ENRILE

SENATE RESOLUTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with