^

Bansa

Bus sa EDSA, dapat ayusin - Mar

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinida ni Daang Matuwid presidentiable Mar Roxas na ang isang simpleng solusyon sa traffic sa Metro Manila ay ayu­sin ang sistema ng bus sa lungsod.

Ginamit ni Roxas ang ehemplo ng mga ibang bansa kung saan iisa lamang ang may-ari ng mga bus na pumapasada sa lansangan.?

“Kabahagi ito ng Department of Common Sense,” sabi ni Roxas. Ang dami ng mga bus ang isa sa mga itinuturong dahilan kung bakit lumala ang trapik sa kahabaan ng EDSA.

Ilang beses ng tina­lakay ni Roxas ang naiisip niyang solusyon dito: bigyan ng regular na sahod ang mga drayber ng bus para hindi sila naghahabol ng komis­yon, isa sa mga pinagmumulan ng aksidente at pinsala sa daan.

Binanggit din ni Roxas na sa pagbubukas ng ginagawang NLEX-SLEX connector road ay mabibigyan ng ibang daanan ang mga moto­rista at made-”decongest” ang EDSA at C5. Para mabuo ang solusyong ito ay iminungkahi ni Roxas na ayusin ang mga prangkisa ng mga bus upang malaman kung ilan lamang talaga ang dapat dumadaan sa EDSA.

Sumagot ng iba’t iba pang mga katanungan si Roxas mula sa mga du­malo sa Go Negosyo forum tungkol sa mara­ming isyu tulad ng mabagal na internet, Mamasapano, pagbaba ng buwis at iba pa.

ACIRC

ANG

BINANGGIT

DAANG MATUWID

DEPARTMENT OF COMMON SENSE

GINAMIT

GO NEGOSYO

MAR ROXAS

METRO MANILA

MGA

ROXAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with