^

Bansa

Conditional cash transfer tuloy – Binay

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiniyak kahapon ng kampo ni Vice President Jejomar Binay na tuloy ang pagbibigay ng Conditional Cash Transfer sa mga benepisyaryo sakaling palarin si Binay sa 2016.

Ayon kay Atty. Rico Quicho, nakatanggap sila ng mga ulat na sa Leyte ay kumakalat ang tsismis na ipapatigil ng Bise Presidente ang CCT program ng pamahalaan.

Sinabi ni Quicho na hindi totoo ang nasabing balita na kumalat din maging sa Bicol, Western Visayas at Central Mindanao.

“This is not the first time we have heard of this. In Bicol, Western Visayas, and Central Mindanao, we have received reports of organized rumor brigades targeting CCT beneficiaries,” ani Quicho.

Tiniyak ni Quicho sa mga residente sa Leyte na ipagpapatuloy ng Bise Presidente ang naturang programa na kilala rin bilang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

“Again, we wish to reiterate that the Vice President will continue the CCT, but with improvements,” dagdag ni Quicho.

Sinabi ni Quicho na lalo pang pagagandahin o aayusin ng Bise Presidente ang sistema sa pagbibigay ng tulong sa mga mahihirap na mamamayan sa pamamagitan ng 4Ps upang maiwasan ang maraming halimbawa ng non-payment at underpayment ng beneficiaries at double entries and inaccuracies sa listahan ng mga benepisyaryo.

Mula sa 4Ps, mabibigyan aniya ng tamang tulong ang talagang na­ngangailangan at upang mapigil na magamit ito para lamang sa pamumulitika. 

“The Vice President also said the CCT program needs to be complemented with bigger government spending for health centers and hospitals, facilities as well as cheaper medicines,” ayon pa kay Quicho.

ACIRC

ANG

BISE PRESIDENTE

CENTRAL MINDANAO

CONDITIONAL CASH TRANSFER

IN BICOL

LEYTE

PANTAWID PAMILYANG PILIPINO PROGRAM

QUICHO

VICE PRESIDENT

WESTERN VISAYAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with