^

Bansa

ERC dininig ang petisyon ng OEDC sa power rate increase

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isinagawa ng Energey Regulatory Commission (ERC) ang pampublikong pagdinig para suriin ang aplikasyon na isinumite ng Olongapo Electricity Distribution Company (OEDC) para sa pagtaas ng singil nito.

Ang pagdinig ay ginanap sa Convery Hall of Columban College sa lungsod kung saan ay ipinaliwanag ng OEDC na ang power rate na gamit sa pagsingil ay nakabase pa rin sa rate ng dating power operator na Olongapo City Public Utilities Department (OCPUD) na hindi na akma sa kasalukuyang gastusin sa serbisyo.

Ipinaliwanag pa ng OEDC na naisakatuparan na nito ang pagsasaayos ng sistema ng power supply sa lungsod tulad ng system loss mula 37% nang i-take-over nito ang PUD ay naibaba sa 8.5% ang ibinababa pa. Sa ngayon ang power network sa lungsod ay nakasusunod na sa mga probisyon ng Philippine Distribution and Grid Codes.

Sa kabila ng maraming pagbabago at pagsasaayos sa sistema, ang kasalukuyang distribution rate ay nana­natiling P0.62/kwhr na aprubado ng ERC para sa PUD noon pang 2000 na lubhang mababa kumpara sa ibang distribution utilities sa Luzon.

Dahil dito, ang OEDC ay nagsumite ng petisyon sa ERC para sa power rate adjustment para mapanatili nito ang maayos na serbisyo.

Ang pagdinig ay dinaluhan rin ng mga lider ng bawat organisasyon,residente, at mga negosyante na nagpahayag ng pangamba sa petisyon, bagay na tinugunan ng ERC sa pagsasabing pag-aaralan nitong mabuti ang petisyon at tinitiyak na ang desisyon ng pamahalaan ay para sa ikabubuti ng magkabilang panig.

ACIRC

ANG

CONVERY HALL OF COLUMBAN COLLEGE

DAHIL

ENERGEY REGULATORY COMMISSION

IPINALIWANAG

ISINAGAWA

LUZON

OLONGAPO CITY PUBLIC UTILITIES DEPARTMENT

OLONGAPO ELECTRICITY DISTRIBUTION COMPANY

PHILIPPINE DISTRIBUTION AND GRID CODES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with