^

Bansa

Abaya binara ni Gatchalian sa laglag-bala

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinontra ni Nationalist People’s Coalition (NPC) senatorial candidate at Valenzuela Rep. Win Gatchalian ang pahayag ni Department of Transportation and Communication Secretary Joseph Abaya na walang laglag-bala syndicate sa Ninoy Aquino International Airport bagaman nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation dito.

Kinondena rin ni Gatchalian si Abaya sa pagsasabi nitong pinapalaki lamang ang usapin ng laglag-bala na kung tutuusin, ang mga insidenteng ito ay hindi dapat nangyayari sa premier airport dahil ang NAIA ay ‘show window’ ng bansa sa mata ng mga banyagang nagpupunta dito sa atin.

“Dapat malaman ni Abaya na magkaiba ang mga pasaherong nagdadala ng bala bilang anting-anting at ang mga pasaherong ang mga maleta ay nabiktima ng mga tiwaling tauhan ng NAIA na nagtatamin dito ng mga bala para mangikil sa biktima,” sabi ni Gatchalian.

Inihalimbawa ni Gatchalian si Marie Paz Trias, ang unang biktima ng ‘laglag-bala’ sa airport na nagsampa ng pormal na reklamo sa NBI laban sa dalawang airport screeners.

‘Hindi dapat ituring ng mga opisyal ng pamahalaan na isolated ang kaso ni Trias dahil merong iba pang mga reklamo tulad ng sa OFW na si Gloria Ortinez na maaaring mawalan ng trabaho bilang yaya sa Hong Kong dahil sa umano’y bala na nakita sa kanyang hand-carry luggage,” paliwanag ng kongresista.

Ibinunyag pa ng kongresista na isang kaibigan niya ang tumawag sa kanya upang iulat ang isa pang laglag-bala incident sa isang senior citizen na si Monalisa Valmonte Rico na papunta sanang United Kingdom pero pinigil sa NAIA 2 dahil may nakita raw bala ng caliber 5.56 sa hand carry bag nito.

“Kahina-hinala ito dahil ang mga x-ray screener bago pa sa airline check-in counter ay walang nakitang bala sa kanyang bag. Lumalaki na ang kalokohang ito. May tatlong buwan na ang nakakaraan nang una kong balaan hinggil dito ang pangasiwaan ng paliparan at ang pambansang pamahalaan pero walang ginagawa ang DOTC,” dagdag ni Gatchalian.

Kaugnay nito, naghain si Gatchalian ng House Bill 2419 sa Kamara upang atasan ang committee on good government at committee on transportation na siyasatin ang laglag-bala incidents sa NAIA.

ABAYA

ACIRC

ANG

BALA

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION SECRETARY JOSEPH ABAYA

GATCHALIAN

GLORIA ORTINEZ

HONG KONG

HOUSE BILL

MARIE PAZ TRIAS

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with