BBL prayoridad pa rin
MANILA, Philippines – Prayoridad pa rin ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Basic Law for the Bangsamoro Autonomous Region o BLBAR.
Ito ang paglilinaw ng mga lider ng Senado at Kamara, sa ginawa nilang regular meeting hinggil sa kanilang priority bills.
Sa pulong sinabi nina Senate President Franklin Drilon at House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na prayoridad pa rin ng mga Mambabatas ang BLBAR o kilala rin bilang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Sa kabila nito, hindi nagbanggit ang dalawang lider ng timeline para sa pagpapatibay ng panukala.
Sa Senado at Kamara, nasa period of interpellation pa lang ang mga mambabatas para sa BBL.
Samantala, kinumpirma rin nina Drilon at Belmonte na makikipagpulong sila kay Pangulong Aquino sa darating na Lunes (?November 9) para talakayin ang Lower Income Tax bill.
Susubukan umanong muli ng Senate at House Leaders na makumbinsi si PNoy na maging bukas na sa panukala, at upang maihabol ang approval nito bago matapos ang Aquino administration.
- Latest