Bongbong handang magpa-DNA test para kay Poe
MANILA, Philippines – Upang matapos na ang mga tsimis at matulungan si Sen. Grace Poe, handang magpa-DNA test si Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
"Walang problema. I don’t see how that will help her but if it will, why not?" pahayang ni Marcos na tatakbong bise presidente sa 2016.
Isiniwalat ni Poe kahapon na negatibo ang resulta ng kaniyang DNA test sa mga posible niyang kamag-anak.
Naghahanp ang presidential candidate ng mg posible niyang kadugo upang mapatunayan sa korteng isa siyan natural-born citizen kahit na napulot lamang siya.
BASAHIN: Mister ni Poe tatalikuran ang American citizenship
Mula pa noong dekada ’80 ay napababalitang anak nina dating Pangulo Ferdinand Marcos Sr. at artistang si Rosemarie Sonora, kapatid ng tumatayong ina ngayon ni Poe na si Susan Roces.
Sinabi pa ni Bongbong na handa niyang tanggapin bilang kapatid si Poe kung maging positibo ang resulta ng DNA test.
Nahahrap ngayon sa disqualification case si Poe matapos kuwestiyunin ang kaniyang citizenship.
- Latest