SC justice magbibitiw
MANILA, Philippines – Dahil sa kanyang kalusugan, magbibitiw na bilang mahistrado ng Korte Suprema si Associate Justice Martin Villarama Jr.
Sa kanyang liham sa Supreme Court en banc, hiniling ni Villarama na payagan siya ng mga kapwa mahistrado gamitin ang optional o early retirement na magkakabisa sa January 16, 2016.
Noong 2013, si Villarama ay inoperahan sa tuhod at nilagyan ng metal implantation, noong isang taon naman siya ay sumailalim sa cataract opertation, bukod pa ang pagdanas ng paninikip sa paghinga, hypertension at kinakitaan na rin aniya siya ng mga sintomas ng sakit na prostate.
Si Villarama ay nakatakdang magretiro matapos ang 28 taong panunungkulan sa hudikatura sa April 14, 2016 o pagsapit niya sa edad na 70 na mandatory retirement age para sa isang mahistrado.
Ang maagang pagreretiro ni Villarama ay magbibigay muli ng pagkakataon kay Pangulong Aquino na makapagluklok ng mahistrado bago sumapit ang appointment ban na magsisimula sa March 9, 2016 o dalawang buwan bago ang araw ng halalan.
Kabilang sa mga una nang itinalaga ng Pangulo sa Korte Suprema ay sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno at mga Associate Justices na sina Bienvenido Reyes, Estela Perlas-Bernabe, Marvic Leonen at Justice Francis Jardeleza.
- Latest