2,184 kaso ng bala sa bagahe noong 2013 – Abaya
MANILA, Philippines — Nasa 1,500 kaso ng nahuhuling mga pasaherong may bala sa bagahe ang naitatala kada taon sa mga paliparan, ayon kay Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya.
Sinabi ni Abaya ngayong Miyerkules na 0.004 percent ng 53.3 milyong pasahero nitong nakaraang taon ang nahaharang dahil sa mga balang nasa loob ng mga maleta.
Noong 2012 ay nasa 1,214 na kaso ang kanilang naitala, habang pinakamataas noong 2013 kung saan umabot ito sa 2,184.
BASAHIN: Abaya, Honrado inireklamo sa Ombudsman sa ‘tanim bala’
Bumaba naman ito noong 2014 sa 1,813 na kaso, habang sa nakalipas na 10 buwan ng 2015 ay umabot na sa 1,394.
“It is incumbent upon us to look into the allegations and to make a determination of what actually happened. We cannot let these incidents slide," wika ni Abaya.
BASAHIN: Ilang pasahero ng NAIA ginagawang agimat ang bala - PNP
Sinabi naman ni Office for Transportation Undersecretary Administrator Rolando Recomono na hindi na bago ang isyu ng mga nagdadala ng bala papasok ng mga paliparan.
Aniya naniniwala ang ilan sa mga Pilipino na anting-anting o agimat ang mga bala.
Naghain ng reklamo kahapon sa Office of the Ombudsman si Sen. Alan Peter Cayetano laban kina Abaya, Recomono, Manila International Airport Authority general manager Jose Angel Honrado at Philippine National Police-Aviation Security Group director Chief Supt. Pablo Francisco Balagtas dahil sa isyu ng “tanim-bala.”
- Latest