^

Bansa

Lolo naistorbo na sa tulog, nadedo pa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dedo ang isang 79-anyos na lolo nang paluin ito ng matigas na bagay ng isang delivery boy na sinita nito dahil naistorbo ang una sa pagtulog, kahapon sa Makati City.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Ospital ng Makati ang biktimang si Alfredo Peña Sr., ng Gabaldon St., Brgy. Poblacion ng naturang lungsod sanhi ng tinamong matinding pinsala sa ulo.

Nakakulong naman sa Makati City Police detention cell ang suspek na si Moises Ranchez, 30, stay-in delivery boy sa Renzmae Ice Delivery,  na matatagpuan sa Pamilihang Bayan ng naturang lugar.

Sa pagsisiyasat ni SPO3 Jason David, naganap ang insidente alas-3:35 ng madaling araw sa panulukan ng Villena at Gabaldon Sts., Brgy. Poblacion habang natutulog ang biktima sa tabi ng bangketa at  nagising ito sa ingay ng suspek at ilang katrabaho nito.

Sinita umano ng biktima ang suspek hanggang sa nagtalo ang dalawa at nang makahagilap si Peña ng matigas na bagay ay unang hinataw nito si Ranchez.

Naagaw ni Ranchez ang matigas na bagay na hawak ni Peña at ginantihan nito ng palo sa ulo ang naturang lolo hanggang sa bumagsak sa semento at nawalan ito ng malay. Kaagad itong isinugod sa ospital, subalit binawian din ng buhay.

Samantala, si Ranchez naman ay sumuko sa mga pulis na rumisponde sa insidente at sinampahan na ito ng kasong Homicide.

vuukle comment

ALFREDO PE

ANG

ATILDE

BRGY

GABALDON ST.

GABALDON STS

JASON DAVID

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MOISES RANCHEZ

RANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with