2 sundalong bihag ng NPA, pinalaya na
MANILA, Philippines – Matapos ang mahigit isang buwang pagkakabihag, pinalaya na ng mga rebeldeng NPA ang bihag ng mga sundalo sa isang lugar sa Laak, Compostela Valley nitong Martes ng hapon.
Kinilala ni Captain Rhyan Batchar, Spokesman ng Army’s 10th Infantry Division (ID) ang mga pinalayang sundalo na sina Privates First Class Nino Alavaro at Marjon Anover; pawang miyembro ng Army’s 25th Infantry Battalion.
Ang mga ito ay binihag ng mga rebelde matapos na harangin sa isang checkpoint sa bayan ng Monkayo, Compostela Valley noong Setyembre 30.
Nabatid na ang dalawa ay itinurn-over kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte matapos ang masusing negosasyon para sa kanilang paglaya .
Dakong alas-4:30 naman ng hapon, ayon kay Batchar ng dumating sa Camp Panacan sa Davao City ang dalawang pinalayang bihag.
Sinabi ni Batchar na agad ang mga itong isinailalim sa medical examination at isasalang din sa stress de briefing at psychological checkup.
Sa kasalukuyan, isa pang sundalo na kinilala namang si Pfc. Adonis Lupiba ang nanatiling bihag ng mga rebelde sa Gingoog City, Misamis Oriental.
- Latest