Taxi driver sa umano’y ‘tanim-bala’ modus pinatawag LTFRB
MANILA, Philippines – Magsasagawa ng pagdinig ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa isang reklamo ng pasahero sa taxi driver na nagtanim umano ng bala sa kaniyang maleta.
Sinabi ni LTFRB Chair Winston Ginez kahapon na paghaharapin nila ang nagreklamong si Julius Haban at ang taxi driver na may plakang UVK 190.
BASAHIN: Duterte sa ‘tanim bala’ sa NAIA: Ipakakain ko sa inyo ‘yang bala kahit mamatay kayo
Kumalat ang post ni Haban tungkol sa umano’y modus operandi ng taxi driver na muntik nang mabiktima ang kaibigan niyang palabas ng bansa.
LTFRB will summon driver of taxi with Plate No. UVK 190 for allegedly being involved in "laglag bala" modus. pic.twitter.com/sacZyDjVBb
— LTFRB_CHAIRMAN (@LTFRB_Chairman) November 1, 2015
Nakatakdang pag-usapan ang isyu ng dalawang panig bukas sa punong tanggapan ng LTFRB sa lungsod ng Quezon.
- Latest