Hunger incidence pinakamataas sa Mindanao - SWS
MANILA, Philippines — Tumaas ang bilang ng mga nagugutom na Pinoy, ayon sa Social Weather Stations (SWS) ngayong Lunes.
Ayon sa survey ng SWS ay aabot sa tatlong milyong Pilipino o 15.7 percent ang nagsabing nakaranas sila ng kagutuman nakaraang tatlong buwan.
Mas mataas ang hunger incidence kumpara sa 12.7 ng second quarter ng 2015 at 13.5 noong unang tatlong buwan ng taon.
Tumaas din sa 15.7 percent ang nagsabing nakaranas sila ng "moderate hunger" mula 10.8 percent, habang umonti naman ang nakaranas ng "severe hunger" sa 1.6 percent.
Pinakamataas ang Mindanao sa may hunger incidence (21.7 percent), kasunod ng 18.3 percent of ng Metro Manila, habang 14.7 percent sa Balance Luzon at 9.3 percent sa Visayas.
Isinagawa ang survey nitong Setyembre 2 hanggang 5 sa 1,200 adult respondents.
Sinasabing nakaranas ng kagutuman ang isang pamilya kung wala talagang pagkaing makakain sa nakaraang tatlong buwan.
Sa kabila nito ay patuloy naman ang pagbaba ng taunang hunger incidence rate sa bansa.
Noong 2013 ay asa 19.3 percent ito, habang nitong nakaraang taon ay nasa 18.3 percent na lamang.
Ang 12.7 percent na naitala nitong second quarter ang pinakamababang naitala sa nakalipas na 10 taon.
- Latest