^

Bansa

Nobyembre 2 gawing holiday - CBCP

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Simbahan na ang umapela kay Pangulong Aquino na ikonsidera ang Araw ng mga Kaluluwa bilang holiday o pagbibigay ng pagkakataon sa publiko na makadalaw sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay sa mismong araw nito sa Nobyembre 2.

Sinabi ni Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo, nakalulungkot na ang naging tradisyunal na pagdiriwang ng Undas ay tuwing Nobyembre 1 na para sa All Saints Day sa halip na hiwalay na araw na Nob. 2 para sa mga kaluluwa.

Bunsod nito, hinikayat ng Cardinal ang pamahalaan na maglaan ng tamang holiday declaration para kilalanin ang Nobyembre 2 na tamang araw upang gunitain ang mga kaanak na pumanaw.

“What happening is that, we many Filipinos, many Dioceses have emphasized All Saints” Day as the time of blessing the dead and blessing the grave. I think that’s a wrong one and a wrong message to give when the holiday is November 1 rather than November 2. I would think that the time to travel to the province would be November 1 and the actual honoring is November 2 and the time to return would be November 3,” bahagi ng pahayag ni Cardinal Quevedo sa panayam ng church-run Radyo Veritas

Iginiit naman ni Quevedo ang kahalagahan ng pananalangin hindi lamang sa mga kaluluwa ng mga kaanak kundi lalo para sa ikapapayapa ng mga kaluluwa sa purgator­yo.

vuukle comment

ACIRC

ALL SAINTS

ALL SAINTS DAY

ANG

ARAW

CARDINAL QUEVEDO

COTABATO ARCHBISHOP ORLANDO CARDINAL QUEVEDO

MGA

NOBYEMBRE

PANGULONG AQUINO

RADYO VERITAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with