‘Doer’ sa Quezon City council sinuportahan
MANILA, Philippines – Umani ng suporta mula sa mga mahihirap na residente ng district 5 sa Quezon City ang tinaguriang “Doer” sa konseho dahil sa kanyang mga makabuluhang programa para sa mga mamamayan.
Nasa likod ni councilor Karl Castelo ang mga dukhang pamilya ng Novaliches dahil na rin sa kanyang mga adbokasiya sa hanapbuhay, edukasyon, kalusugan, kabataan, kababaihan at senior citizens.
“We want Karl to continue his programs because they are very helpful to us,” wika ni Danny Mariano, Senior Citizen Federation President sa Novaliches.
Masigasig na tagahanga ni Karl ang grupo ni Mariano dahil sa mga proyekto ng batang konsehal para sa mga nakakatanda. “We took note of what Karl is doing for us at the council,” sabi ng grupo ni Mariano na humanga sa panukalang batas ni Karl ukol sa discount ng mga senior citizens sa pagbili ng vitamins.
“Karl should stay as our representative at the council because his programs are sensible,” ayon naman kay Sonia Cea, Women’s Association President sa district 5.
Si Cea ay isa lamang sa maraming nagtapos sa livelihood training courses na ibinigay ni Karl sa kanyang mga kinasasakupan.
Sa pakikipagtulungan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), walang humpay na ipinapatupad ni Karl ang mga training sa paggawa ng puto-pao at jewelry sa iba’t ibang barangay ng Novaliches.
- Latest