China nagmatigas sa desisyon ng Tribunal
MANILA, Philippines — Walang balak kilalanin ng China ang desisyon ng United Nations (UN) arbitral tribunal na dinggin ang arbitration case ng Pilipinas kaugnay ng agawan sa teritoryo.
"We will not participate and we will not accept the arbitration... The ruling or the result of arbitration and will not affect China's position," pahayag ni Vice Foreign Minister Liu Zhenmin.
Napagdesisyunan ng Tribunal ng United Nations Convention on the Law of the Sea na dinggin ang kaso ng Pilipinas at kasabay nito ang pagbasura sa iginigiit ng China na wala silang kapangyarihan upang paggulungin ang kaso.
Iginigiit ng China na mayroon silang indisputable sovereignty sa Spratlys o Nansha Islands.
"It won't affect China's sovereignty rights and jurisdiction in the South China Sea, our rights will not be undermined," dagdag ni Liu.
Samantala, ikinatuwa naman ng Pilipinas ang desisyon ng international court at sinabing magandang hakbang ito patungo sa pagtukoy kung sino ang tunay na nagmamay-ari ng naturang teritoryo.
Naniniwala ang Pilipinas na kailangang idaan sa tamang proseso at hindi sa paggamit ng dahas ang pagtukoy kung sino ang dapat mag may-ari sa teritoryo.
- Latest