Palasyo kay Bongbong: Walang nakakamit na hustisya sa pag-move on
MANILA, Philippines – Sinagot ng Malacañang ngayong Huwebes ang pahayag ni Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na dapat ay mag-move on na si Pangulong Benigno Aquino III sa mga isyu kaugnay ng Martial Law.
Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. na walang nakakamit na hustisya sa pagmo-move one.
"President Aquino has said time and again that there can be no reconciliation without justice. While it may be easy to say 'just move on,' we believe that in so doing, we will not be doing justice to the thousands of families whose members suffered violence during the dictatorship," pahayag ni Coloma.
"As reported by the [Human Rights Victims Claims] Board, more than 75,000 claims have been received; evidently, the claimants are not accepting the view that election means vindication," dagdag niya.
Nabanggit ni Marcos kahapon na wala naman silang nagawang pagkakamali kaya naman wala siyang dapat ihingi ng tawad sa publoko.
"Kung mayroon akong nasaktan o mayroon akong ginawang pagkakamali, handa naman talaga akong mag-apologize pero ano 'yong ipag-aapologize, sino ba ang sinaktan ko? Saan ba ako nag-ano ng krimen? Sa palagay ko, wala namang ebidensiya tungkol d'yan," pahayag ni Marcos sa kaniyang panayam sa “Bandila” ng ABS-CBN.
Nitong kamakalawa ay sinabi ni Aquino na dapat ay humingi ng tawad ang pamilyang Marcos sa lahat ng naagrabyado noong panahon ng Martial Law.
Aniya mapagpatawad naman ang mga Pilipino ngunit sadyang matigas lamang ang mga Marcos.
- Latest