Inspektor ng bus itinumba
October 29, 2015 | 1:59am
MANILA, Philippines – Isang inspector ng bus ang pinabulagta sa public terminal sa Kabacan, North Cotabato nitong kamakalawa.
Nagtamo ng iba’t ibang tama ng bala sa katawan si Reyno Laguardia, 47, ng Rural Transit Bus Company dahilan upang masawi kaagad.
Huling nakita si Laguardia na kausap ang suspek bago umalingawngaw ang putok ng baril sa lugar.
Hindi pa naman matukoy ng Kabacan municipal police ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo nito sa krimen.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
- Latest
Latest
Latest
Recommended