^

Bansa

Indonesia pinagbabayad sa haze

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isinusulong ni Ako Bicol Partylist Rep. Rodel ang Transboundary Haze Pollution Act na nag-oob­liga sa isang bansa na magbayad ng damage sa mga katabing bansa na maapektuhan ng haze.

Sinabi ni Batocabe na dapat din igiit ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Asean Agreement on Transboundary Haze Pollution at simulan ang diskusyon para sa epekto ng haze mula sa Indonesia kung saan naapektuhan na rin ang Pilipinas.

Giit ng kongresista, dapat na magbayad ang Indonesia sa mga bansang lubhang naapektuhan ng air pollution na nagmumula sa kanilang bansa na mula sa isang forest fire.

Unti-unti ng nararamdaman ang epekto ng haze dito lalo at marami ng flights ang nakakansela o nade-delayed dahil sa makapal na smog kaya maging ang mga commuters at negosyo sa ilang bahagi ng Mindanao at Visayas ay apektado na.

Bukod sa Pilipinas apektado na rin ng haze ang Brunei, Malaysia, Singapore, Southern Thailand, Veitnam at Cambodia kaya nagdudulot din ito ng panganib sa kalusugan sa mga mamamayan .

Nagbabala na rin ang Department of Health (DOH) sa mga lugar na naapektuhan ng haze na huwag munang maglalabas ng bahay dahil sa posibleng magdulot ito ng sakit tulad ng sakit sa ulo, pagkahilo, asthma, pneumonia, at cardiovascular disease.

Paliwanag pa ni Batocabe, chairman ng House Committee on Climate Change, panahon na para magpasa na rin ang kongreso ng batas na katulad sa Singapore na Transboundary Haze Pollution Act na nagmumulta ng halagang $100,000 to $2M sa mga bansa na pinagmumulan ng haze pollution.

AKO BICOL PARTYLIST REP

ANG

ASEAN AGREEMENT

BATOCABE

CLIMATE CHANGE

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF HEALTH

HAZE

HOUSE COMMITTEE

PILIPINAS

TRANSBOUNDARY HAZE POLLUTION ACT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with