Kahirapan ang tunay na problema - Binay
MANILA, Philippines – Tututukan ni Vice President Jejomar Binay ang pagresolba sa nararanasang kahirapan at gagawa ng mas maraming trabaho kapag siya ang pinalad na manalo sa 2016.
Ito ang ipinangako ni Binay sa harap ng mga negosyante at mga panauhin sa ginanap na presidential forum na inorganisa ng Philippine Chamber of Commerce and Industry kahapon.
Ayon kay Binay, ang moral na problema sa kasalukuyan ay hindi ang korapsyon kundi ang kahirapan.
“The moral problem actually is not corruption, the moral problem is poverty. That is what I have to face, not a fight against all these allegations but a fight to alleviate poverty in the life of every Filipino,” ani Binay.
Sa kanyang opening statement, sinabi ni Binay na itutuon ng kanyang administrasyon ang “sustainable at shared economic growth” sa pamamagitan ng balanseng polisiya sa social at economic.
Sinabi ni Binay na kanyang palalakasin ang paggawa ng mas marami at matatag na trabaho at mga oportunidad para sa mamamayan.
“This administration may lay claim to the country’s economic growth and credit rating upgrades, but the average 6.3% per year from 2010-2014 would have been more meaningful if it induced the creation of more stable jobs and opportunities for our people,” pahayag ni Binay.
Sa kanyang economic agenda, kumbinsido si Binay na ang “inclusive growth” ay magiging posible na may tamang pinaghalong social at economic policies ng gobyerno na sensitibo sa mga pangangailangan ng mga residente at sa mga negosyante sa bansa.
Dapat din aniyang magkaroon ng matatag na “political will” mula sa mga lider ng pamahalaan at tulong ng taumbayan para matiyak na maramdaman ng lahat ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
Palalakasin din aniya ng kanyang administrasyon ang pagmimina, manupaktura, at agrikultura na makapagbibigay umano ng mas maraming trabaho.
- Latest