PNoy sa mga Marcos: Mapagpatawad ang mga Pinoy, ayaw niyo lang mag-sorry
MANILA, Philippines – Kung si Pangulong Benigno Aquino III ang tatanungin, dapat humingi ng tawad ang pamilyang Marcos sa mga Pilipino dahil sa pinaranas na kalupitan noong Martial Law.
Naniniwala si Aquino na noon pa dapat humingi ng tawad ang mga Marcos noong hawak pa nila ang kapangyarihan.
"If they said, 'We erred. We had this opportunity to turn this country greater as our father promised and it did not happen. We apologize. We want to make amends.' That I think would have been very, very acceptable," wika ni Aquino sa Foreign Correspondents Association of the Philippines's presidential forum.
"We are a very forgiving people as a general rule. But they (Marcoses) have statements that they have nothing to apologize for," dagdag niya.
Humingi na ng paumanhin ang gobyerno sa mga biktma ng Martial Law nang isinabatas ang Human Rights Victims Reparation and Recognition Act of 2013.
"The law by itself is already a recognition," he said. "At one point in time, a government of the Philippines, oppressed its people. That's why there's need to compensate all of the victims. This is an admission by the state that at one point in time, the state erred," sabi ng Pangulo.
Sa isang panayam sa telebisyon ay sinabi ni Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., na wala silang dapat ihingi na tawad sa mga Pilipino.
Kumpiyansa naman si Aquino na hindi na ihahalal ng publiko si Sen. Marcos na tatakbong bise presidente sa 2016.
"I have faith in my bosses, the Filipino people. There is nothing that has caused me to change the faith that they are able to discern.”
- Latest