^

Bansa

Ex-Camarines Sur governor kinasuhan ng graft sa fertilizer fund scam

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinasuhan ng Ombudsman ng graft sa Sandiganbayan si dating Camarines Norte Governor Jesus Typoco kaugnay ng fertilizer fund scam.

Kasama ni Typoco na kinasuhan ng graft sina Camarines Norte Provincial Accountant Maribeth Malaluan at Bids and Awards Committee (BAC) members Jose Atienza, Lorna Coreses, Cesar Paita, Rodolfo Salamero, Jose Rene Ruidera, at Alex Rivera ng Hexaphil Agriventures, Inc. (Hexaphil) dahil sa paglabag sa R. A. No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) at paglabag sa Republic Act No. 9184 (Government Procurement Reform Act).

Sa record, tumanggap ang Camarines Norte ng P4 milyon para sa pagbili ng agricultural supplies at P1 milyon para sa buto ng mga gulay noong 2004.

Nag-alok si Rivera ng kanilang produkto na Hexaplus Liquid ferti­lizer kay Typoco sa hala­gang P700 kada botelya.

Isang memorandum of agreement ang nilagdaan ng Department of Agriculture regional office at ni Typoco at inaward ang pagbili ng 7,142 botelya ng fertilizer sa Hexaphil ng walang public bidding.

Nadiskubre ng Ombudsman na ang Hexaphil ay hindi isang  legitimate company, walang business permit o license to operate at hindi rehistrado sa Department of Trade and Industry, Securities and Exchange Commission o sa Bureau of Internal Revenue, hindi makita ang address ng kompanya at hindi muna natignan ng mga respondents ang market probe bago mai-award ang kontrata sa kumpanya na nagresulta ng  kuwestyonableng direct contracting.

“Typoco cannot simply be exempted because he was then busy campaigning for the upcoming elections..as governor and public official, he is accountable for his actions relative to the contract he entered into,” nakasaad sa resolusyon ng Ombudsman.

ACIRC

ALEX RIVERA

ANG

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

BIDS AND AWARDS COMMITTEE

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CAMARINES NORTE

CAMARINES NORTE GOVERNOR JESUS TYPOCO

CAMARINES NORTE PROVINCIAL ACCOUNTANT MARIBETH MALALUAN

HEXAPHIL

TYPOCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with