^

Bansa

Kanselasyon ng mga flights sa APEC, tinutulan

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mariing tinutulan ni House Committee on Metro Manila Development at Quezon City Rep. Winston Castelo ang kanselasyon ng lahat ng flight sa mga araw ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) sa Nobyembre.

Sinabi ni Castelo na ang planong kanselasyon ng mga flights mula November 18-22 ay maaaring magdulot ng economic slowdown dahil sa epekto ng paghinto ng tao, goods at services sa bansa.

Maging ang paglilipat  di umano ng alinmang flights sa Clark airport sa Angeles City na may 70 kilometro ang layo mula sa Maynila.

Ang reaksyon ng kongresista ay bunsod sa naunang pahayag ng malalaking international at local airlines na kanselasyon ng kanilang flight sa Ninoy Aquino International Airport sa apat na araw na Apec summit.

Ito ay dahil sa gagamitin umano ng mga papara­ting na dayuhang delegado at dignitaries, political at economic leader na dadalo sa summit sa Maynila at Iloilo City ang nasabing paliparan.

Giit ni Castelo, kahit subok lamang ang gagawing kanselasyon ay hindi dapat, sapagkat ito ay magdudulot ng inconvenience sa mga pasahero bukod pa sa siguradong ikalulugi ito ng gobyerno.

Kaya panawagan ng mambabatas, sa mga otoridad ay umisip ng ibang paraan upang maiwasan ang mga kanselasyon ng flights.

ANG

ANGELES CITY

ASIA PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

CASTELO

HOUSE COMMITTEE

ILOILO CITY

MAYNILA

METRO MANILA DEVELOPMENT

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

QUEZON CITY REP

WINSTON CASTELO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with