^

Bansa

Mas matibay na imprastraktura vs kalamidad isulong - Tolentino

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan si dating MMDA chairman Francis Tolentino sa mga lider ng mga lokal na pamahalaan na umpisahan na ang pagpapatayo ng mas matataas at matibay na kalidad na mga proyektong imprastruktura sa iba’t ibang rehiyon at probinsya lalo na’t buhay at bilyon-bilyong ari-arian ang taunang nasisira ng mga bagyo, lindol, tsunami, sunog at “storm surge”o daluyong.

“Nararapat lahat ng lider natin nakatuon sa hinaharap. Dapat may vision sa susunod na 10 o 20 taon para mapatibay ang mga road networks, drainage, garbage disposal, at mas matitibay na gusali,” ayon kay Tolentino sa pagsasalitan nito sa Cebu Urban Summit ngayong taon.

Dapat rin umano ngayon pa lamang ay bumubuo na ng konsepto ng “modern cities” ang mga lider ng lokal na pamahalaan para sa lumalaking populasyon at pangangailangan ng mga mamamayan. Ngunit narararapat umano na may koordinasyon ang bawat isa para sa iisang plano ng urban development.

Kabilang sa dapat tutukan ng mga lider ay ang pagsasaayos sa istruktura ng pamayananan, tamang paggamit sa mga lupain, maayos na transportasyon at mga malalapad na kalsada, water suplay, maayos na sistema ng pagkolekta at pagtatapon ng basura.

Iginiit ni Tolentino na tumatakbong Senador bilang independent na dapat aktuwal na maramdaman ng tao ang mga programa at proyekto at hindi puro salita lamang.

Ipinagmalaki nito na bago siya maging Chairman ng MMDA, nagawa niyang maging nangugunang tourist destination ang Tagaytay City bilang alkalde nito mula 1995 hanggang 2004.

ACIRC

ANG

CEBU URBAN SUMMIT

DAPAT

FRANCIS TOLENTINO

IGINIIT

IPINAGMALAKI

KABILANG

MGA

TAGAYTAY CITY

TOLENTINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with