Department of Common Sense itutulak ni Mar
MANILA, Philippines – Pabirong sinabi ni Daang Matuwid presidential candidate Mar Roxas na kung sakaling palarin siya sa halalan sa 2016 ay itutulak niya ang tinatawag na “Department of Common Sense” sa gobyerno.
Sinabi ito ni Roxas sa isang pagpupulong ng malalaking negosyante sa industriya ng semiconductors at electronics kung saan sila naimbitahan ni Pangulong Aquino.
Inamin ni Roxas na may mga natitira pang balakid sa ayos na pagnenegosyo sa bansa, kasama na dito ang mga regulasyon at proseso sa burukrasya na wala ng dahilan o saysay ngunit sinusunod pa rin.
Bilang halimbawa ay binanggit niya ang ilang panuntunan na nabuo nung 1960, 1970 at 1980 na matagal ng naungusan ng bagong teknolohiya.
Ibinida rin niya ang mga pagbabago sa ilalim ng Daang Matuwid ni PNoy, kung saan malaki ang panalo ng mga industriya at negosyo dahil sa ganda ng ekonomiya ng bansa.
- Latest