^

Bansa

Mga guro na itatalagang BEI sa halalan may dagdag bayad

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinag-aaralan na ng Department of Education ang pagbibigay ng dagdag na bayad sa mga guro na magsisilbing mga Board of Election Inspector (BEI) sa halalan sa 2016.

Ayon kay DepEd Secretary Armin Luistro, noong halalang 2013 ang mga guro ay binigyan ng P3,000 at dinagdagan ng P500 para sa pagtesting at pagselyo at P500 para naman sa transportasyon.

Ngunit ang bayad na ito ay hindi sapat sa haba ng oras ng serbisyo ng mga guro dagdag pa ang banta sa kanilang buhay kapag ang napuwestuhan nila ay magulong lugar.

Anang kalihim, nakikipag-ugnayan na siya sa mga awtoridad para naman masiguro ang kaligtasan ng mga guro.

Ang pagtataas sa bayad sa mga BEI ay una ng hiniling ni Buhay party-list Rep. Joselito Atienza na itaas hanggang sa P8,000 ang serbisyo ng mga guro sa darating na halalan.

ANANG

ANG

AYON

BOARD OF ELECTION INSPECTOR

BUHAY

DEPARTMENT OF EDUCATION

JOSELITO ATIENZA

MGA

NBSP

NGUNIT

SECRETARY ARMIN LUISTRO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with