Meralco safety tips sa panahon ng baha
MANILA, Philippines – Muling nagbigay kahapon ng safety tips ang pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) sa mga kostumer nito sa panahon ng mga pagbaha kasunod na rin ng pananalasa ng bagyong Lando.
Ayon kay Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga, sa panahong may baha, dapat tiyakin ng mga kostumer na ang kanilang main electrical power switch o circuit breaker ay nakapatay.
Dapat rin aniyang tiyakin na hindi hahawak ng anumang electrical facility kung basa ang isang tao.
Mas makakabuti kung tiyaking walang anumang de-kuryenteng kasangkapan ang nakasaksak sa wall sockets kung may baha.
Tiyaking ang lahat ng permanently-connected equipment ay nakapatay at siguruhing tuyo ang lahat ng electrical wires, connector at iba pang wiring devices.
Dapat ring tanggalin ang putik at dumi mula sa service equipment o main circuit breaker/fuse, gamit ang rubber gloves at rubber soled shoes.
Sakaling nabasa sa baha ang electrical appliances ay huwag na itong gamitin hangga’t hindi natitiyak ng isang eksperto na ligtas ang mga ito mula sa anumang pinsala.
- Latest