^

Bansa

Malacañang sa mga botante ‘Magpa-biometrics na’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mismong Malacañang na ang nanawagan kahapon sa mga botante na wala pang biometrics na huwag ng hintayin ang deadline upang matiyak na makakaboto sila sa eleksiyon sa susunod na taon.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi na dapat hintayin ang araw ng deadline na itinakda sa Oktubre 31 para magpakuha ng biometrics.

Nanawagan pa si Valte na samantalahin ang huling linggo ng rehistrasyon ng mga bagong botante at ma­ging ng mga lumipat ng lugar upang hindi maaksaya ang tiyansa na makaboto.

Hindi papayagan ng Comelec na makaboto ang mga hindi nakunan ng biometrics kung saan kinukunan ng larawan, fingerprints at signature ang mga botante.

Nabatid na maglalaan ng tripleng oras ang Commission on Election sa huling araw ng pagba-biometrics kung saan inaasahang dadagsa ang mga botante.

Layunin ng biometrics na tuluyang mawala ang dayaan sa eleksiyon maging ang mga flying voters sa mga Barangay, Local at National Elections.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATILDE

AYON

COMELEC

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

LAYUNIN

MGA

MISMONG MALACA

NABATID

NATIONAL ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with