Marinduque Gov. sinuspinde ng 60 days ng Sandiganbayan
MANILA, Philippines – Sinuspinde ng 60 araw ng Sandiganbayan 2nd division si Marinduque Gov. Carmencita Reyes para bigyang daan ang pagbusisi dito kaugnay ng kasong graft.
Sa resolusyon ni Sandiganbayan Justice Teresita Diaz-Baldos, inaprubahan ng Sandiganbayan ang request ng Ombudsman na suspendihin muna sa tungkulin si Reyes para maiwasan maimpluwensiyahan ang kaso.
“Political considerations or factors being raised by the accused cannot override the mandatory character of suspension pendente lite that must be observed by the Court, which should remain apolitical,”nakasaaad sa resolosyon.
Inatasan naman ng Sandiganbayan na ipatupad ng DILG ang suspension order.
Si Reyes ay kinasuhan ng Ombudsman matapos mapatunayang guilty sa kasong graft kaugnay ng 2004 fertilizer fund scam.
- Latest