COC ni Pacquiao pinababasura sa Comelec
MANILA, Philippines - Hindi lamang si Sen. Grace Poe ang kinukuwestiyon ang kandidatura sa Commission on Elections (Comelec) kundi pati na rin Sarangani Rep. Manny Pacquiao.
Kahapon ay hiniling ng private petitioner na si Ferdinand Sevilla sa Comelec na ibasura ang certificate of candidacy (CoC) ni Pacquiao para tumakbong senador sa 2016 elections.
Sa petisyon ni Sevilla, dapat umanong tanggalin si Pacquiao sa listahan ng mga kandidato at ideklara itong nuisance candidate. Wala umanong karapatan si Pacman na kumandidato sa mas mataas na posisyon dahil kulang ito sa kwalipikasyon.
Isa rin aniya sa mga mambabatas na may pinakamaraming pagliban sa Kamara ang Pinoy boxing superstar.
Kapansin-pansin din aniya ang paglahok ni Pacquiao sa debate noon ukol sa Reproductive Health Bill dahil inuulit lang nito ang mga dati nang naitanong ng kaniyang mga kapwa kongresista.
Si Pacman ay isa sa mga kandidatong senador sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA) na pinangungunahan ni Vice President Jojo Binay.
- Latest