^

Bansa

Bawas sa tax ipatupad! - Cayetano

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinuportahan kahapon ni Majority Leader Alan Peter Cayetano ang pa­nawagan na ibaba ang binabayarang corporate at personal income tax at amiyendahan ang deka-dekada ng income tax brackets.

Ayon kay Cayetano, hindi na dapat hintayin pa ng mga opisyal ng gobyerno na magpalit ng admi­nistrasyon para isulong ang panukala na magi­ging daan para mapagaan ang binabayarang buwis ng mga mamamayan na pinakamataas sa Southeast Asia.

“Don’t wait for the next seven to eight months bago mag-eleksyon. Pwede namang ngayon pa lang, hamunin na ang mga kandidato, because almost all candidates [in the 2016 elections] are in government now. On calls to lower tax rates for Filipinos, we can do it now,” ani Cayetano.

Matagal na ring isinusulong ni Cayetano sa administrasyong Aquino na suportahan at madaliin ang pagpasa ng mga tax reforms bills na nakabinbin sa Kongreso.

Inihalimbawa ni Ca­yetano ang pahayag ni Steve Forbes, chairman at editor-in-chief ng Forbes Media sa isang interview sa 15th Forbes Global CEO Conference noong Oktubre 12, kung saan ipinahiwatig niyang maaring ikonsidera ng gobyerno ng Pilipinas ang pagbawas sa corporate at income tax rates ng hindi nababawasan ang nakokolektang buwis.

Dapat aniyang pag-aralan ang panukala para sa benepisyo ng mga nasa middle class at ng mga mahihirap.

Sinabi ni Cayetano na kung gusto ng gobyerno ng totoong pagbabago at “inclusive growth” kaila­ngang ipasa ang mga panukalang batas na direktang mapapakinaba­ngan ng mga mamamayan.

 

ACIRC

ANG

AQUINO

AYON

CAYETANO

FORBES GLOBAL

FORBES MEDIA

MAJORITY LEADER ALAN PETER CAYETANO

MGA

SOUTHEAST ASIA

STEVE FORBES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with