AK47 scam: 15 kakasuhan
MANILA, Philippines - Ipinag-utos kahapon ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na kasuhan sa Sandiganbayan ang 15 katao kabilang ang 12 matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) matapos makakita ng probable cause hinggil sa maanomalyang issuance ng firearm licenses para sa AK47 rifles mula August 2011 hanggang April 2013.
Sa 39 pahinang utos, multiple counts ng paglabag sa Sections 3(e) ng Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) ang ipinakakaso sina Police /Dir. Gil Meneses ng Civil Security Group, P/Dir. Napoleon Estilles ng Firearms and Explosives Office (FEO), P/CSupt. Raul Petrasanta, P/CSupt. Tomas Rentoy III, P/CSupt. Regino Catiis, P/SSupt. Eduardo Acierto, P/SSupt. Allan Parreño, P/Supt. Nelson Bautista, P/CInsp. Ricardo Zapata, Jr., P/CInsp Ricky Sumalde, SPO1 Eric Tan, SPO1 Randy De Sesto, Non-uniformed Personnel (NUP)Nora Pirote at Sol Bargan, at Isidro Lozada ng Caraga Security Agency (Caraga).
Paglabag pa sa sections 3(j) ng RA 3019 ang isinampa kina Estilles at Petrasanta.
Ayon sa Ombudsman, napatunayan nilang nagkutsabahan ang naturang mga akusado sa pag-facilitate, pag-proseso at pag-apruba sa aplikasyon para sa firearm licenses ng Caraga, Isla Security Agency (Isla), Claver Mineral Development Corporation at JTC Mineral Mining Corp. kahit kulang sa requirements at napeke ang aplikasyon at supporting documents.
Ilan din umano sa mga armas ay naipalabas agad kahit na ang ilang requests para sa withdrawal ng mga baril sa storage ay hindi pa nalagdaan ng requester.
“The public respondents failed to act in accordance with their respective duties in processing the questioned firearms license applications” and “that their acts/and or omissions demonstrate that they are guilty of gross inexcusable negligence and evident bad faith,” ayon pa sa Ombudsman.
Dinismis naman ni Ombudsman Morales ang kaparehong kaso kina P/CInsp. Rodrigo Benedicto Sarmiento, NUP Enrique Dela Cruz at Twin Pines representatives na sina Servando Topacio, Marie Ann Topacio, Alexandria Topacio, Hagen Alexander Topacio, Thelma Castillejos, Sherry Lyn Fetalino at Lourdes Logronio dahil sa kakulangan ng ebidensiya na nagdidiin sa mga ito sa naturang kaso.
- Latest