'Lando' humina pa, lalabas ng PAR sa Lunes
MANILA, Philippines (UPDATED 11:42 a.m.) – Patuloy ang paghina ng bagyong “Lando” ngunit asahan pa rin ang pag-ulan na may kasamang malakas na hanging sa hilagang Luzon, ayon sa PAGASA ngayong Miyerkules.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa 80 kilometro silangan hilaga-silangan ng hilaga ng Calayan, Cagayan kaninang alas-10 ng umaga.
Taglay na lamang ni Lando ang lakas na 55 kilometers per hour habang gumagalaw pa hilaga-silangan sa bilis na 6 kph.
Sa kabila nito ay nakataas pa rin ang signal no.1 sa Batanes at Northern Cagayan kabilang ang Calayan at Babuyan group of islands
Inaasahang sa Lunes lalabas ng Philppine area of responsibility ang pang-12 bagyo ngayong taon.
Umabot naman sa 30 katao na ang naitalang nasawi sa pananalsa ng bagyo, ayon sa state disaster response agency.
- Latest