^

Bansa

Rice terraces nawasak, CAR ideklarang calamity area

Butch Quejada at Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nanawagan si Ifugao Rep. Teddy Brawner Baguilat sa gobyerno na isailalim sa state of calamity ang buong Cordillera Administrative Region (CAR) para mapabilis ang pagtulong at serbisyo upang makabangon sa lalong madaling panahon ang probinsiya matapos windangin ito ng bagyong Lando.

Nagpapasalamat si Baguilat dahil sa maagap na mga abiso ng disaster risk reduction and management groups, kaunti lang ang nasawi kay Lando pero mala­king bahagi ng mga ari-arian at pananim ang winasak nito partikular ang rice terraces.

Nakadepende pa naman umano ang kabuhayan ng halos lahat ng residente ng Ifugao sa agrikultura kaya malaking dagok sa mga ito ang pagkasira ng kanilang pananim lalo na ang rice terraces.

“We are still assessing the damage, but this early, we are calling for help, not just for Ifugao but for the other provinces in CAR,” sabi ni Baguilat.

Inamin din ni Baguilat na kakailanganin hindi lang ng Ifugao kundi ng iba pang lalawigan sa CAR ang tulong ng national governmen para agarang makabangon sa epekto ng kalamidad.

ACIRC

ANG

BAGUILAT

CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION

IFUGAO

IFUGAO REP

INAMIN

LANDO

NAGPAPASALAMAT

NAKADEPENDE

TEDDY BRAWNER BAGUILAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with