3M botante wala pa ring biometrics
MANILA, Philippines – Dalawang linggo bago ang deadline sa voter’s registration, umaabot pa sa 3 milyon ang wala pa ring biometrics.
Muli ring nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) na hindi maaaring makaboto sa 2016 elections ang mga botante na walang biometrics.
Ayon sa Comelec, 5.86 porsiyento pa lamang ng 52.2 million registered voters sa 2016 ang may biometrics.
Sa ilalim aniya ng Republic Act 10367, inoobliga ang lahat ng rehistradong botante na magpabiometrics. Dito makikita ang kanilang photograph, fingerprint at signature.
Sa pagsisimula ng taon ay agad nang inilunsad ng Commission on Elections ang “No Bio, No Boto” campaign upang maging madali ang pagboto tuwing halalan.
Ang sinumang hindi makakapagpabiometrics ay tatanggalin ng Comelec sa listahan.
- Latest