Agusan mayor, anak natagpuang patay matapos dukutin ng NPA
MANILA, Philippines – Wala ng buhay si Agusan del Sur Mayor Dario Otaza at ang kaniyang anak nang matagpuan ng mga awtoridad ngayong Martes ng umaga matapos dukutin ng mga hinihinalang miyembro ng New People's Army (NPA).
Natagpuan ang pinaulanan ng bala na bangkay nina Otaza at anak niyang si Daryl sa Purok 2, Barangay Bitan-agan, Butuan City matapos dukutin sa loob ng bahay nila kagabi.
Kinondena naman ng palasyo ang insidente at tiniyak na gagawin ng Philippine National Police at the Armed Forces upang madakip ang nasa likod ng krimen.
"We condemn in the strongest possible terms this cowardly act. We hope that Mayor Otaza's death unites the people of Agusan del Sur, the Manobos and the entire Lumad community, and every decent Filipino in working sincerely towards lasting, meaningful peace," pahayag ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr.
Inilarawan ni Coloma si Otaza na isang Manobo, Lumad at dating miyembro ng NPA na ngayon ay nagsusulong ng kapayapan matapos sumuko.
"His programs to ensure that former rebels have the means to lead dignified lives as part of mainstream society have encouraged many insurgents to lay down their arms. Observers have lauded the success of these programs," sabi ni Coloma.
Ayon naman kay Undersecretary Manny Bautista ng Cabinet security cluster, 154 miyembro ng NPA ang napasuko ni Otaza sa Serbisyo Caravan nila ng gobyerno.
- Latest