^

Bansa

Kooperasyon ng LGUs vs kalamidad giit ni Tolentino

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan si senatoriable Francis Tolentino sa mga lider ng “local government units (LGUs)” ng ibayong kooperasyon laban sa regular na pagragasa sa bansa ng mga bagyo at iba pang kalamidad.

Ginawa ni Tolentino, da­ting hepe ng Metropolitan Manila Development Autho­rity, ang pa­nawagan kasabay ng patuloy na pananalasa ng bagyong Lando sa Hilagang Luzon. Sinabi nito na higit na mapapababa ang bilang ng mga biktima kung may maayos na kooperasyon ang mga lider ng mga lokal na pamahalaan.

Bukod sa agarang pag­responde sa mga lugar na nasa panganib at pagtatatag ng eva­cuation areas, nasa kamay rin ng LGUs ang pagbabantay sa mga pantalan para maiwasan ang mga trahedya sa karagatan. 

Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon, nasa 6,529 pasahero, 89 barko, 42 bangkang de-motor at 633 rolling cargoes ang stranded sa mga pantalan dahil sa bagyo.

Malaki rin umano ang papel ng lokal na pamahalaan sa pagtukoy sa mga kalsada na hindi madadaanan ng mga behikulo para hindi maipit ang distribusyon ng mga “relief goods” sa mga biktima.

Kung makakapasok umano sa Senado, itutulak ni Tolentino ang pagbuo sa Philippine Urban Development Commission na siyang makikipag-ugnayan sa mga LGUs para maitulak ang planong kooperasyon ng mga lungsod.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BUKOD

FRANCIS TOLENTINO

GINAWA

HILAGANG LUZON

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHO

MGA

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

PHILIPPINE URBAN DEVELOPMENT COMMISSION

TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with