Palasyo umaasa sa pag-endorso ni Duterte kay Roxas
MANILA, Philippines – Umaasa ang Malacanang na susuportahan pa rin ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte si Liberal Party standard bearer Mar Roxas sa darating na eleksyon 2016.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na matagal nang magkaibigan ang dalawang opsiyal at ikinampanya pa noong 2010 ni Duterte ang tambalang Aquino-Roxas.
"More than anything, they have been friends. So certainly, you would like to make sure that that friendship continues and how that friendship will blossom into an endorsement of Mayor Duterte to Secretary Mar Roxas," pahayag ni Lacierda.
BASAHIN: Duterte sa mga taga-suporta: Ayaw nilang tanggapin ang totoo
"We have seen that already in 2010 when he endorsed then Sen. Noynoy Aquino and Sen. Mar Roxas. We certainly hope that Mayor Duterte and former Secretary Mar Roxas would rekindle their—or clear the air between the two of them," dagdag niya.
Samantala, ayon kay Lacierda, nakipag-usap na si Roxas kay Duterte tungkol sa kumakalat na may sakit na throat cancer ang alkalde.
"Secretary Mar Roxas has already texted Mayor Duterte about it and really saying he had nothing to do with that. They are friends," sabi ng tagapagsalita.
Iginiit ni Lacierda na hindi gagamit ang administrasyon ng black propaganda lalo’t ilang buwan na lamang bago mag eleksyon.
"Magkaibigan 'yung dalawa e so, hindi malayo na mayroong—may efforts na mag-usap ‘yung dalawa pero kung ano ‘yung mga efforts na ‘yon, I am not privy to it.”
- Latest