^

Bansa

‘Lando’ bahagyang humina, tinutumbok ang Ilocos, Cordillera

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines –  Humina na ang bagyong “Lando” habang mabagal ang paggalaw nito patungong Ilocos at Cordillera region, ayon sa state weather bureau ngayong Linggo ng gabi.

Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa Tinoc, Ifugao kaninang alas-10 ng gabi.

Taglay na lamang ni Lando ang lakas na 130 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 160 kph, habang gumagalaw pa-hilaga hilaga-kanluran sa bilis na 5 kph.

Nakataas pa rin naman ang public storm warning signal sa mga sumusunod na lugar:

Signal no. 3

  • Benguet
  • Ilocos Sur
  • La Union
  • Ilocos Norte
  • Abra

Signal no. 2

  • Pangasinan
  • Zambales
  • Nueva Vizcaya
  • Ifugao
  • Mountain Province
  • Kalinga
  • Apayao
  • Tarlac

Signal no. 1

  • Bataan
  • Pampanga
  • Bulacan
  • Nueva Ecija
  • Northern Quezon
  • Quirino
  • Aurora
  • Isabela
  • Cagayan kabilang ang Calayan at Babuyan group of Islands
  • Batanes
  • Metro Manila

Inaasahang nasa Magsingal, Ilocos Sur ang bagyo bukas ng gabi, at sa 100 km hilaga hilaga-silangan ng Laoag, Ilocos Norte sa Martes.

Tatagal pa hanggang Biyernes ang bagyo na tinatayang nasa 45 km hilaga hilaga-silangan pa ng Itbayat, Batanes.

Nagsuspinde na ng klase sa lahat ng antas ang iba’t ibang lokal na pamahalaan para sa Lunes.

Dalawang katao naman ang naiulat nang nasawi dahil sa epekto ni Lando.

ANG

BATANES

IFUGAO

ILOCOS NORTE

ILOCOS SUR

LA UNION

LANDO

METRO MANILA

MOUNTAIN PROVINCE

NORTHERN QUEZON

NUEVA ECIJA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with