^

Bansa

Libu-libo stranded sa mga pantalan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Libu-libo na ring mga pasahero sa mga pantalan sa Southern Tagalog, Bicol at North Eastern Luzon bunsod ng bagyong “Lando”, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) kahapon ng hapon.

Sa monitoring, dakong alas- 12:00 ng hapon nang maitala ang 1,013  stranded sa Batangas Port at  832 sa pantalan ng Albay, habang sa  Oriental Mindoro ay nasa  789 ang stranded.

Minomonitor din ang mga stranded passengers Occidental Mindoro, Southern at Northern Quezon, Romblon, Sorsogon, Camarines Sur, Masbate, at Aparri.

Stranded din ang 36 na vessels; 29 na motor bancas  at 449 ang rolling cargoes.

Kaugnay nito, nasa 27 pasahero ang nasagip  mul sa tumaob na M/B Mansan bahagi ng  Bagaca, pagitan ng Camotes island at Danao, Cebu  kahapon ng umaga.

Ayon sa report ng Cebu Coast Guard, na-rescue ng mga tripulante  ng M/V Filipinas Dinagat na galing sa lalawigan ng Surigao papuntang Pier 1 sa lungsod ng Cebu ang kabuuang pasahero kasama na rito ang mga crew ng bangka.

Nasa maayos nang kondisyon ang mga naisalba, pinakain muna bago dinala sa Pasil Fish Port.

ANG

B MANSAN

BATANGAS PORT

CAMARINES SUR

CEBU

CEBU COAST GUARD

NBSP

NORTH EASTERN LUZON

NORTHERN QUEZON

OCCIDENTAL MINDORO

ORIENTAL MINDORO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with