^

Bansa

Biyahe ng eroplano kinansela na rin

Joy Cantos at Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinansela na rin kahapon ang biyahe ng walong domestic flights sa bansa na apektado ng paghagupit ng bagyong Lando.

Sa ulat na tinanggap kahapon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga kinanselang biyahe ng eroplano  ay patungong Northern Luzon gayundin ang biyahe mula Manila patungong Mindanao.

Ang bagyong Lando ay inaasahang tatama sa Aurora sa linggo ng madaling araw kung saan ay naramdaman na ang mga malalakas na pagulan sa malaking bahagi ng Luzon.

Samantala, nasa 3,155 namang katao, 37 barko at iba pang mga pampasaherong sasakyang pandagat, pitong bangkang de motor ang stranded sa mga pantalan ng Bicol, Northeastern Luzon at Southern Tagalog Region dulot ng masamang lagay ng panahon.

Sa pinakahuling ulat, sinabi naman ni Lt. Col.   Marlowe Patria, Comman­der ng 7th Relations Group ng AFP, sa Northern Luzon ay minobilisa na rin ang Disaster Response Task Groups na nakiki­pagkoordinasyon sa mga lokal na pamahalaan, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Councils, PNP para sa humanitarian disaster response operations .

Nabatid na epektibo dakong alas-5 ng hapon nitong Sabado ay nagdeklara na rin ng red alert ang AFP-NOLCOM sa ilalim ng pamumuno ni Major Gen. Glorioso Miranda.

Kaugnay nito , gumamit na rin ng megaphone ang mga sundalong naglilibot kaugnay ng isinasagawang preemptive evacuation sa mga lugar na hahagupitin ng bagyong Lando sa Northern Luzon.

Nakahanda na rin ang mga ipamamaha­ging relief goods sa mga maapektuhang residente partikular na mula sa tanggapan ng Office of Civil Defense sa Pampanga at Aurora.

Kabilang dito ay 250 sako ng bigas at 100 sako ng mga pagkaing delata mula sa NOLCOM at nakaalerto na rin ang dalawang Huey helicopter sa Camp Aquino sa Tarlac.

Samantalang naka­handa na rin ang mga rubber boats na gagamitin sa rescue operations ng tro­pa ng mga sundalo.

ACIRC

ANG

CAMP AQUINO

DISASTER RESPONSE TASK GROUPS

GLORIOSO MIRANDA

LANDO

MAJOR GEN

MARLOWE PATRIA

MGA

NBSP

NORTHERN LUZON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with