Dahil sa pag-ulan, water shortage hindi lulubha - Maynilad
MANILA, Philippines - Hindi lulubha ang water shortage na nararanasan ng may 56 percent water consumers ng Maynilad Waters sa Metro Manila.
Ito ayon sa Maynilad ay dulot ng reserbang tubig na naipon sa may Ipo Dam dulot naman ng patuloy na pag-uulan sa Bulacan area na kinaroroonan ng naturang Dam.
Ang tubig sa Ipo Dam ay nakatulong sa pangangailangan sa water production level sa Angat Dam.
“We do weekly simulations to determine how the rains help to cushion the impact of reduced raw water allocations from Angat Dam, our latest computations show that we can still meet the West Zone’s water requirements for another week,” pahayag ni Maynilad Water Supply Operations head, Engr. Ronald Padua.
“If rains continue to fall at the Ipo watershed, we can keep our service levels unchanged up to the end of October,” dagdag ni Padua.
Mula noong September 16,2015 ang Maynilad ay nagsasagawa ng 7 hour off-peak water service interruptions mula alas 9 ng gabi hanggang alas 4 ng madaling araw para makatipid sa gamit ng tubig sa panahon ng El Niño phenomenon.
Ito ay nang bawasan ng National Water Resources Board ang raw water allocation sa Metro Manila ng mula 38 cubic meters per second (CMS) noong Setyembre ay ginawang 36 CMS ngayong Oktubre.
- Latest