^

Bansa

Duterte supporters luhaan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines –  Hindi nagpakita kahapon si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa kabila ng mahabang paghihintay ng kanyang mga tagasuporta upang tumakbo siya sa pagkapangulo sa 2016.

Umaga pa lang kahapon ay umabot na sa mahigit 2,000 ang mga sumali sa kampanya para sa pagtakbo ni Duterte. Nagdatingan din ang mga tagasuporta ng alkalde mula sa Davao.

Lumitaw din ang ilang espekulasyon na posibleng tumakbo si Duterte sa pagka-pangulo matapos na maghain din umano ng kandidatura sa pagka-alkalde ang anak nitong si Inday.

Subalit hanggang sa magsara ang filing, hindi nakita ni anino ng alkalde sa Comelec na ikinadismaya ng mga supporters nito.

Una nang sinabi ni Duterte na hindi siya interesado na tumakbo sa pagkapangulo sa kabila ng panghihikayat sa kanya ng iba’t ibang sector at grupo.

Mas komportable umano siya sa kanyang posisyon ngayon at walang mababago sa kanyang desisyon.

ANG

CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

COMELEC

DAVAO

DUTERTE

INDAY

LUMITAW

NAGDATINGAN

NBSP

SUBALIT

UMAGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with