^

Bansa

Walang maiiwan sa pag-unlad - Leni

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sisikapin ni Liberal Party vice presidential bet Leni Robredo na walang maiiwang Pilipino dahil mahalaga lahat.

“Nasa stage tayo sa ating bansa na marami tayong narating in terms of economic growth ngunit ang kulang dito ay pagiging inclusive,” giit ni Robredo.

“Ito ang ating magiging mission, to make sure na kung ano ang nararamdaman sa itaas, nararamdaman din sa ibaba,” dagdag pa niya.

Nais ni Robredo na tiyakin na ang panguna­hing serbisyo ay naibibigay sa pinakamaliit na tao sa pinakamalayong lugar.

Ayon kay Robredo, ang kanyang mga nabanggit ay pagpapatuloy lang ng kanyang pananaw sa paninilbihan mula nang maupong kinatawan ng Camarines Sur.

Paliwanag ni Robredo, isa sa mga susi para mang­yari ito ay ang tulong na ibinibigay ng local government units (LGU).

“Ang mga LGUs kasi, parang sila ang basic deli­verer ng services. Sa kanila umaasa sa basic services, kanila umaasa sa education at sa kanila rin ang livelihood,” wika niya.

ACIRC

ANG

AYON

CAMARINES SUR

ITO

LENI ROBREDO

LIBERAL PARTY

PALIWANAG

PILIPINO

ROBREDO

SISIKAPIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with