^

Bansa

24 pang senatoriables naghain ng kandidatura

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi pa rin nagbabago ang mala-fiestang sitwasyon sa ikatlong araw ng filing ng certificate of candidacy sa paligid ng Commission on Elections (Comelec) kasabay ng pagdagsa ng ilang mga kila­lang personalidad na nais na sumabak sa Senado.

Alas-8 ng umaga ay unang naghain ng COC si Alma Moreno na sinundan ni Juan Miguel Zubiri, Romeo Maganto, Rizza Hontiveros, Princess Jacel Kiram, Mark Lapid, Francis Tolentino, Kiko Pangilinan, Franklin Drilon, Sherwin Gatchalian, Roman Romulo, Ralph Recto at Tito Sotto na pawang tatakbo bilang mga senador.

Kasama ni Pangilinan ang kanyang misis na si Mega Star Sharon Cuneta habang sinamahan si Lapid ng kanyang misis na si Tanya Garcia at amang si Senador Lito Lapid kung saan tatakbo ito sa ilalim ng Roxas-Robredo tandem matapos na maimbitahan ng Liberal Party na sumanib sa lineup ng administrasyon.

Giit ni Mark nais niyang bigyan ng prayoridad ang pagpapalawak at promosyon ng turismo sa bansa kung saan magbibigay naman ito ng dagdag na trabaho sa mga Filipino bukod pa sa investments.

Senatorial seats din ang habol nina Myrna Catapang; Jonathan Calonia, Sr.;  Germinigildo Asoy; Mario Taculod; Elias Mimbantas; Jeanette Dapiton; Marilyn Kragh; Jeanie Wolf at Kamarozaman Rajahmuda na pawang mula sa partidong Partido Bagong Maharlika; Kenneth Sombilon at Vicente Toring na mga Independent.

Naghain din kahapon ng COC sa pagkapangulo sina Gauvencio Serrano; Juanita Trocenio; Emelito Bayani; Romeo Rodriguez; Romualdo Rivera; Valeriano Nogon III; Jerry Diaz; Victor Lawag; Jean-Pierre Pardo at Mars Mendoza

Naghahain din ng COC sa pagkabise presidente si Sen. Antonio Trillanes IV; Jesus Zosimo Paredes Jr., at Neil Aldea.

ALMA MORENO

ANTONIO TRILLANES

ELIAS MIMBANTAS

EMELITO BAYANI

FRANCIS TOLENTINO

GAUVENCIO SERRANO

GERMINIGILDO ASOY

JEAN-PIERRE PARDO

JEANETTE DAPITON

JEANIE WOLF

NBSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with